Aired (November 29, 2025): #ReportersNotebook: “The Sinking Hospital”

Sa Macabebe, Pampanga, taon-taon nang nilulubog ng baha ang Domingo B. Flores District Hospital—ang nag-iisang pampublikong ospital sa distrito. Habang patuloy na tumataas ang tubig, mas humihirap ang trabaho ng mga healthcare worker na kinakailangang magserbisyo sa mahigit 100 pasyente kada araw.

May flood control project na itinayo malapit sa lugar, ngunit bakit hindi ito nararamdaman ng komunidad? At hanggang kailan makapagtitiis ang ospital na unti-unti nang lumulubog, pati ang pag-asa ng mga umaasa rito? Panoorin ang buong detalye sa video. #ReportersNotebook